Palalakasin ng Pilipinas at Russia ang pagtutulungan sa depensa at seguridad upang malabanan ang terorismo, ilegal na droga, at mga banta sa dagat.

Nakipagpulong si Pangulong Rodrigo Duterte kay Russian Security Council Secretary Nikolai Patrushev sa Davao City nitong Huwebes upang lalong patatagin ang magiliw na relasyon ng dalawang bansa bago ang nakaplano niyang pagbisita sa Moscow.

Tinalakay din ni Patrushev at ng kanyang delegasyon sa National Security Council, na pinamumunuan ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., ang mga kasunduan sa seguridad.

“The bilateral talks discussed future government-to-government cooperation in the fields of 1) security and intelligence, 2) defense and military, 3) law enforcement, 4) terrorism and transnational crime, 5) anti-illegal drugs work plan, and 6) maritime law enforcement,” saad sa pahayag ni Esperon.

National

Disyembre 26, 2024 hindi idedeklara bilang holiday – Malacañang

Sinabi ni Esperon na isinasapinal na ang mga kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Russia at lalagdaan ang memorandum of understanding sa pagbisita ni Duterte sa Moscow.

“President Duterte graced the farewell dinner at Marco Polo Hotel, where he emphasized that the Philippines can only offer its sincerest friendship that is based on equality,” ani Esperon.

Ang Russian delegation ay kinabibilangan nina Russian Ambassador to the Philippines Igor Khovaev, First Deputy Minister of Justice Sergey Gerasimov, Deputy Minister of Interior Igor Zubov, Deputy Director of the Federal Protection Service Viktor Tulupov, Russian Army chief Oleg Salyukov, Russian Security Council Assistant Secretary Alexander Venediktov, at Russian Coast Guard head Alexey Volskiy. (Genalyn D. Kabiling)