BATANGAS - Kinasuhan ng pulisya ang anim na hinihinalang miyembro ng New People's Army (NPA) na kabilang sa grupong sumalakay sa security detachment sa labas ng Hamilo Coast resort sa Nasugbu, Batangas, nitong Enero 29, 2017.

Ayon kay Batangas Police Provincial Office Director Senior Supt. Leopoldo Cabanag, positibong kinilala, sa mga litratong ipinakita, at kinasuhan ng robbery in band with arson si Leslie Cresino, ng Indang, Cavite.

Carnapping with force intimidation naman ang isinampa kina Trixie Mulingbayan, ng Calaca, na akusado rin sa robbery in band; at Anthony Rodriguez, ng Gumaca, Quezon.

Nahaharap rin sa robbery in band sina Arnold Valencia; at Rodel Alcon, kapwa taga-Quezon. (Lyka Manalo)

Probinsya

15-anyos na dalagita, patay matapos umanong gahasain ng 13 lalaki