PALAYAN CITY, Nueva Ecija - Dalawang pasyente ng Mega Drug Abuse Treatment & Rehabilitation Center (MDATRC) sa Fort Magsaysay, Palayan City, ang nagtangkang tumakas nitong Miyerkules na nagbunsod sa dalawang oras na habulan
Sa panayam ng Balita, kinumpirma ni Health Secretary Paulyn Jean Rosell Ubial ang insidente at iniulat na naibalik na sa pasilidad ang dalawang pasyenteng hindi pinangalanan.
Sinabi ni Ubial na may isa pang insidente ng tangkang pagtakas sa MDATRC noong nakaraang buwan, kaya naman humiling siya sa pamahalaang panglalawigan ng Nueva Ecija ng karagdagang security guard para sa pasilidad.
Ayon kay Ubial, nasa 135 lang ang sumasailalim sa rehabilitasyon sa MDATRC, na may 10,000 bed capacity at binuksan noong Nobyembre 2016. (Light A. Nolasco)