Iniutos ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang pagsibak sa serbisyo sa 13 opisyal ng gobyerno dahil sa alegasyon ng maling paggamit sa P547 milyon ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) ni dating Senator Ramon “Bong” Revilla.

Napatunayang guilty of grave misconduct, dishonesty and conduct prejudicial to the best interest of the service sina Richard Cambe, chief of staff ni Revilla, Dennis Cunanan, Marivic Jover, at Consuelo Lilian Espiritu ng Technology Resource Center (TRC); Gondelina Amata, Gregoria Buenaventura, Emmanuel Alexis Sevidal, Sofia Cruz, Chita Jalandoni, Ofelia Ordoñez, at Evelyn Sucgang ng National Livelihood Development Corporation (NLDC); at Victor Ramon Gacal at Rhodora Mendoza ng National Agribusiness Corporation (NABCOR).

Ang dismissal order ay may kaakibat na accessory penalties of perpetual disqualification sa paghawak ng public office at forfeiture ng lahat ng retirement benefits.

Sa pagkakatanggal sa serbisyo, ang penalty ay convertible sa multa na katumbas ng isang taong suweldo ng respondent.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Lahat ng respondents ay nililitis din sa Sandiganbayan dahil sa kanilang pagkakasangkot sa maanomalyang paggamit ng PDAF ng dating senador.

Natulasan ng imbestigasyon na simula 2006 hanggang 2010, patuloy na inenderso ni Revilla, bilang senador, ang implementasyon ng kanyang PDAF-funded livelihood and agricultural production projects sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa pamamagitan ng kuwestiyonableng non-government organizations (NGOs) na kontrolado ni Janet Lim Napoles, ang pinagbibintangang pork barrel scam mastermind.

Simula 2007 hanggang 2009, umaabot sa kabuuang P517 milyon ang ini-release ng Department of Budget and Management bilang bahagi ng PDAF ni Revilla.

Pagkatapos ng fund release, kinilala ni Revilla ang NABCOR, NLDC at TRC bilang implementing agencies. (Jun Ramirez)