LIGAO, ALBAY – Isang lalaki ang nasawi habang nasugatan naman ang isang binatilyo makaraang masagi ng tren ng Philippine National Railway (PNR) sa pagbabalik kahapon ng biyahe nito mula sa Naga City patungong Legazpi City.
Kinilala ang nasawi na si Omar Martinez Rentoy, 44; habang ginagamot pa sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital ang 14-anyos na lalaki, kapwa taga-Barangay Batang, Legazpi City.
Ayon kay Engr. Jose Florece, division manager ng PNR Bicol, may 15 metrong allowance sa tawiran n g tren sa Purok 1, Bgy. Layon sa Ligao City nang tangkaing tumawid ng dalawa, na kalaunang nahagip. (Ruel Saldico)