Maja at Paulo copy

ENDORSER ng Robinsons malls si Maja Salvador, pero hindi nangangahulugang papaboran ng manager ng mall ang pelikulang I’m Drunk, I Love You na nag-opening day rin nitong nakaraang Miyerkules dahil dalawa lang ang screening slot nito, kahati ang foreign film na A Cure for Wellness.

Iisa lang ang ibig sabihin nito, hindi malakas ang I’m Drunk, I Love You at obvisouly, itinaob ito ng My Ex and Whys nina Enrique Gil at Liza Soberano na showing sa more than 230 theaters nationwide.

Kung hindi kami nagkakamali, nasa 60 theaters ang ang I’m Drunk, I Love You produced ng TBA (Tuko Films Productions/Buchi Boy Entertainment at Artikulo Uno Productions).

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Kaya siguro naiirita si Paulo na isa pala sa producers nito, dahil kakaunti lang ang sinehang ibinigay sa pelikula nila ni Maja.

Ang isa pang tampo ng aktor, hindi rin palabas sa Baguio (hometown niya) ang I’m Drunk, I Love You, kaya nagpahayag daw si Paulo ng, “Pupunta pa ba sa Manila ang pamilya ko para makapanood?”

Gusto naming bigyan ng espasyo ang hinaing ng Team IDILY nang nagbukas ito sa mga sinehan. Naririto:

“I’m Drunk, I Love You opens in cinemas today. For the past 8 weeks, TBA has done everything it could possibly do to make sure this beautiful film stand a chance.

Nilibot namin mula Cabanatuan hanggang Davao para mabigyan ng pagkakataon ang moviegoers outside Manila na makita at makikilala ang pelikula at mga artistang bumubuo nito.

Walang indie film na nagpapa-mall show. Eh, ‘yung walong shows pa kaya. Walo. Pero ginawa namin ‘yun dahil binabaha na kami ng requests ng iba’t ibang malls sa buong Pilipinas para dalhin ang palabas na ito. Umabot na sa punto that we had to regretfully decline some of these offers dahil hindi na talaga kaya ng schedule, budget, at manpower ng munti naming studio. Sa malls na hindi namin napuntahan, pasensiya na po.

At dahil nga alam naming maraming may gustong manood ng I’m Drunk, I Love You, we brought this film to as many schools as we can. Sila naman kasi talaga ang alam naming sobrang makaka-relate sa pelikula dahil sila ang mga tunay na Carson, Dio, Jason Ty at Pathy.

Again, from Luzon to Mindanao, daang-daang estudyante ang nakipagsiksikan at halos mamalat sa paghihiyaw sa pagtanggap ‘di lamang sa mga artista ng I’m Drunk, I Love You, pati na rin sa aming mga bumubuo nito.

Madalas na trending topic sa Twitter ang mga related topics ng #ImDrunkILoveYou. The trailer alone reached a million views in less than 24 hours and was extensively and immediately covered by different media outlets. May TVC spot din kami, sa Miss Universe pa. Ano na?!

May Paulo Avelino na, may Maja Salvador pa. Sa fans pa lang nila, alam naming may manonood na.

Isama pa natin ang libu-libong mga taong nag-repost, nag-share, nag-comment at sinabi nilang, ‘Sh_t, kuwento ng buhay ko ‘to. Manonood ako.”

Pero sa kabila nang lahat ng hirap at pagod ng lahat para sa pelikulang ito, gumising na lang kami na halos walang sinehan na maibigay sa pelikulang ito.

Bakit?

Bakit may nabibigyan ng 4 or more screens samantalang maski isa, walang maibigay para sa I’m Drunk, I Love You? It’s 4 versus 1 or mas nakakalungkot, 4 versus 0. Ano na?

Bakit may mga sinehan na merong more than 6 theaters pero hindi nila magawang magbigay ng isa para sa I’m Drunk, I Love You?

Bakit hindi inilalabas ang screening schedule ng I’m Drunk, I Love You sa mga sites ng ilang malalaking sinehan?

Bakit ‘yung sa iba meron pero ‘yung sa I’m Drunk, I Love You, wala?

We have done our very best, but I guess our best wasn’t good enough.

Bakit?

Ganu’n pa man, hindi kami mawawalan ng pag-asa. If there’s one thing our film Heneral Luna taught us, dapat lumaban lang ng lumaban. Kahit pagod ka na, laban lang.

At isang malaking thank you sa lahat ng sumusuporta at lumalaban para sa I’m Drunk, I Love You. ‘Yung mga nagta-tag sa amin sa Twitter, Facebook at Instagram at nagse-send ng mga private message, maraming maraming salamat po!

Sa mga nakapanood na, salamat po! At sa mga manonood pa lang, maraming salamat. We hope you enjoy I’m Drunk, I Love You as much as we did making it.

At para sa industriyang mahal na mahal namin, isa lang ang aming hiling: sana dumating ang araw na hindi na kailangang manlimos ng pelikulang Pilipino ng puwang sa sinehan.

Sa pag-ibig nga pinapaasa na kami, pati ba naman sa sinehan ganito pa rin?

Sumasaiyo, Armi and Daphne (Carsons ng Team IDILY)”

Napanood na namin ang I’m Drunk, I Love You at ang komento namin ay madilim ang entire movie, hindi ito glossy kaya nagmukhang lumang pelikula at higit sa lahat, nahahawig sa pelikulang That Thing Called Tadhana na walang ginawa sina Maja at Paulo plus Dominic Roque kundi magdiskusyon at lumarga nang lumarga, at higit sa lahat, uminom nang uminom ng alak, kasi nga ito ang kuwento.

Technically, tatlo lang ang karakter sa pelikula dahil iilan lang naman ang exposure ni Jasmine Curtis Smith.

Kahit indie film ang I’m Drunk, I Love You ay puwede naman siguro itong maging glossy, di ba, para hindi masakit sa mata ng mga manonood.

Anyway, marami kaming nakasabay na nanood sa Robinson’s Magnolia Cinema 3 sa unang araw ng pagpalabas ng pelikula at naaliw naman sila, may mga nagsabi nga lang na madilim ang kabuuan nito. (Reggee Bonoan)