SEOUL (Reuters) – Inaresto kahapon ng umaga si Samsung Group chief Jay Y. Lee kaugnay ng umanoy papel nito sa corruption scandal na nagbunsod ng impeachment ni South Korean President Park Geun-hye.

Ang 48-anyos na si Lee, scion ng pinakamayamang pamilya sa bansa, ay isinailalim sa kustodiya sa Seoul Detention Centre matapos siyang magdamag na maghintay doon para sa desisyon ng korte. Ipinasok siya sa isang selda na may TV at mesa, ayon sa isang opisyal ng kulungan.

Inaakusahan si Lee na nagbigay ng 43 billion won ($37.74 million) sa negosyo at organisasyong suportado ng kaibigan ni Park na si Choi Soon-sil, kapalit ng suporta sa merger ng dalawang kumpanya ng Samsung.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina