Isang Pinay teenager mula sa bayan ng San Fernando, Camarines Sur, ang binigyan ng pagkilala sa katatapos na United Nations Young Assembly, sa UN Headquarters sa New York City.

Ang 18-anyos na si Louisse Mabulo, first year student sa University of the Philippines-College of Enterpreneurship, ang hinirang na best presenter sa limang napili ng United Nations Committee mula sa buong mundo.

Si Mabulo, Young Ambassador ng Operation Smile, Breville Philippines at Gourmet Society ng UN Youth Assembly, ay napili bilang kinatawan para sa The Resolution Project’s (TRP) Social Venture Challenge, na itinaguyod ng UN sa layuning makatuklas ng kabataan na may excellent skills at kaalaman kung paano higit na mapaunlad ang agrikultura, agham at teknolohiya, global education at iba pang interes.

Ang kanyang “The Cacao Project” ay napiling isa sa Outstanding Ventures. Hinangaan ng mga hukom ang kanyang presentation tungkol sa kung paano nakaaapekto ang cacao sa food industry. (Ruel Saldico)

Probinsya

Isang pamilya sa Bukidnon, minasaker umano sa loob ng bahay!