WALANG nakalalamang, pantay ang labanan.

Higit pa sa matira ang matibay ang antas ng determinasyon sa paghaharap ng crowd-favorite Barangay Ginebra at Star Hotshots sa Game Five ng kanilang best-of-seven semi-final series sa MOA Arena sa Pasay City.

Nakatakda ang krusyal na parte ng serye ganap na 7:00 ng gabi.

Naitabla ng Kings ang serye sa 2-2 sa makapigil-hiningang 93-86 panalo sa Game Four Miyerkules ng gabi.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?

Mismong si Kings coach Tim Cone ay wala pa rin sa wisyo para maipaliwanag ang nagawang ratsada ng koponan para manatiling buhay ang hangarin na mabigyan ang mga tagahanga ng larong kagigiliwan at ibibida.

Iginiit naman ni Star coach Chito Victolero na kailangan nilang manatiling matatag upang masabayan ang Kings at makaiwas sa pagkolapso.

“We need to stay together and stay positive,” pahayag ni Victolero. (Marivic Awitan)