MAGTATALAGA ng iba’t ibang performing arts company na magiging kinatawan ng Pilipinas sa layuning epektibong maitaguyod ang sining at kulturang Pilipino.

Sa bisa ng pinagtibay na House Bill 4783 kamakailan ng House Committee on Culture, magtatalaga ng kikilalaning Philippines performing arts companies na pagkakalooban ng ayudang pinansiyal.

Alinsunod sa Philippine National Performing Arts Companies Act nina Albay Rep. Joey Salceda at Samar Rep. Senen Sarmiento, magtatatag ng selection committee na pipili ng Philippine national performing arts company sa bawat larangan at itatalaga bilang National Ballet/Contemporary Dance Company, National Theater Company, National Orchestra Company, at National Choral Company,

Ang 15 eksperto na bubuo sa komite ay itatalaga ng National Commission for Culture and Arts (NCAA) at ng Cultural Center of the Philippines (CCP), samantalang ang pipiliin ng selection committee ay pagtitibayin pa ng NCAA Board of Commissioners at CCP Board of Trustees.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ang mapipiling National Ballet/Contemporary Dance Company, National Theatre Company at National Orchestra ay pagkakalooban ng tig-P10 milyon na taunang pondo sa loob ng limang taon, at P5 milyon naman para sa sa National Choral Company sa loob din ng limang taon.

Ayon kay Salceda, sadyang kailangan ng mga nabanggit na grupo ang ayudang pinansiyal ng gobyerno dahil hindi sapat ang budget ng National Endowment Fund for Culture and the Arts (NEFCA), na pinangangasiwaan ng NCCA, para sa promotion ng kultura at sining ng bansa.