Target ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na makapagkaloob ng P500 buwanang allowance sa tinatayang 2.8 milyong maralitang matatanda ngayong taon sa ilalim ng Social Pension Program for Indigent Senior Citizens (SPISC).

Sinabi ni Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo na ang bilang na ito ay mahigit doble ng kabuuang target na benepisyaryo ng DSWD noong 2016, na nasa mahigit 1.3 milyon lamang. Itinaas din ang inaprubahang budget para sa SPISC sa P17.9-bilyon mula P8.7-bilyon noong nakaraang taon.

Sinimulan ang programa noong 2011 sa bisa ng Republic Act 9994 o ng Expanded Senior Citizens Act of 2010.

Kuwalipikado para sa programa ang mga indibiduwal na may edad 60 pataas na mahina, may sakit o may kapansanan; walang regular na kita o suporta mula sa pamilya o mga kamag-anak, at walang pensiyon mula sa pribadong institusyon o sa gobyerno. (Aytch Dela Cruz)

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA