Ikinatuwa ng kampo ni dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang resolusyon ng Korte Suprema, tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET), na nagpapatibay sa election protest na inihain niya laban kay Vice President Leni Robredo.

Sa walong pahinang resolusyon na may petsang Enero 24, 2017, idineklara ng PET na ‘sufficient in form and substance’ ang election protest ni Marcos, ayon kay Atty. Victor Rodriguez, tagapagsalita ni Marcos.

Hindi na rin magsasagawa ng preliminary hearing sa usapin matapos ibasura ng tribunal ang mosyon ni VP Robredo dahil sa kawalan ng hurisdiksiyon.

Nagpahayag ng pag-asa ang kampo ni Marcos na magtutuluy-tuloy na ang pag-usad ng kanyang kilos-protesta upang malaman ang tunay na resulta ng kinukuwestiyong vice presidential race noong Mayo 2016.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“We are hoping that with this resolution, there will be an end to all these delays and we can finally move forward.,” pahayag ni Rodriguez. (MARY ANN SANTIAGO)