Nagbabala ang Food and Drugs Administration (FDA) sa publiko laban sa paggamit ng Max Factor Eye Brightening Mascara na nasa merkado matapos na mapatunayang peke ang mga ito.

Batay sa FDA Advisory No. 2017-013, posibleng mapanganib sa kalusugan ang mga pekeng produkto na hindi sumailalim sa safety assessment at verification process ng kanilang tanggapan.

Kaagad naglabas ng advisory ang ahensiya makaraang kumpirmahin ng Rustan Marketing Corporation, ang market authorization holder (MAH) ng Max Factor cosmetic products, na peke ang mga produkto dahil hindi naman sila umangkat nito para ipagbili sa Pilipinas. (Mary Ann Santiago)

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?