Muling ipinagdiinan ng Palasyo na nasa mabuting kondisyon si Pangulong Duterte matapos na hindi ito napagkikikita sa publiko simula pa nitong Lunes.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, nasa Davao City ang Pangulo simula pa nitong Lunes at nakatakdang makipagpulong kay Secretary of the Security Council of the Russian Federation Nikolai Patrushev kahapon.

“His (Pangulong Duterte) schedules are really brutal so anybody would need to rest. I’m not saying he’s resting right now, but in the past few days he probably was,” sabi ni Abella.

Ayon kay Abella, maraming pagpupulong ang nakatakdang daluhan ng Pangulo sa mga susunod na araw.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Nitong nakaraang linggo, walong event, kabilang na ang pagbisita sa mga biktima ng magnitude 6.7 na lindol sa Surigao del Norte, ang pinuntahan ng Presidente.

Nitong Lunes, sinabi ni Health Secretary Paulyn Ubial na nananatiling malusog ang Presidente sa kabila ng pag-atake ng migraine nito at ng iniindang Buerger’s disease.

“The president is as healthy as a horse but he has problems with migraine, Buerger’s disease. It’s bothersome but not critical,” sambit ni Ubial. (Argyll Cyrus G. Geducos)