BEIJING (Reuters) — Nagbabala ang Foreign Ministry ng China noong Miyerkules sa Washington laban sa panghahamon sa soberanya nito, bilang tugon sa mga ulat na nagbabalak ang United States ng panibagong naval patrol sa pinagtatalunang South China Sea.
Sinabi ni Chinese Foreign Ministry spokesman Geng Shuang na humupa na ang tensiyon sa South China Sea dahil sa pagsisikap ng China at ng mga bansa sa Southeast Asia. Hinimok niya ang ibang bansa, kabilang na ang US, na igalang ito.
“We urge the US not to take any actions that challenge China’s sovereignty and security,” ani Geng sa news briefing nitong Miyerkules.