Kalaboso ang limang katao, kabilang na ang isang babae, sa pagsalakay ng mga pulis sa sabungan ng mga gagamba sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.

Ayon kay Police Sr. Supt. Dante Novicio, hepe ng Navotas Police, paglabag sa illegal fighting of spider (P.D. 1602) ang isinampang kaso laban kina Ralph Villarin, 30, ng Phase 5, B. Trinidad Street, Gatchalian, Las Piñas City; Alberto Jose, 45, ng No. 154 Libis St., Caloocan City; Reynaldo Manansala, 35, ng No. 230 Sampalukan St., Caloocan City; Emiliana Gonzales, 30, ng No. 2594 Dinalupihan St., Jose Abad Santos, Tondo, Maynila at Bill Olain, 20, ng No. 13 Lakas ng Mahirap St., Caloocan City.

Base sa report, bandang 1:45 ng hapon, nakatanggap ng tawag ang Navotas Police na nagsasabong ang grupo ng lalaki sa Taganahan St., Bgy. NBBS, Navotas City.

Agad itong pinuntahan ng mga tauhan ng Special Operation Unit (SOU) na nagresulta sa pagkakadakip sa limang suspek habang nakatakbo naman ang ibang mananaya.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Narekober ng mga pulis ang perang taya, mga karton ng mga panlabang gagamba at spider fighting ring (gradas).

(Orly L. Barcala)