CALAPAN CITY, Oriental Mindoro – Nasa 44 na pasahero ang napaulat na nasugatan matapos na muntik nang tumaob ang sinasakyan nilang fastcraft vessel habang patungong Mindoro mula sa Batangas, lulan ang 245 pasahero, dahil sa malalaking alon nitong Martes ng hapon.

Batay sa preliminary inspection ng Philippine Ports Authority (PPA), naglalayag ang Oceanjet 12 mula sa Batangas patungong Calapan Port sa Oriental Mindoro bandang 2:50 ng hapon nang lumaki ang mga alon.

Sa pagpapagewang-gewang ng bangka ay humampas ang bakal na hagdan sa bintanang salamin ng watertight marine door sa harap ng sasakyan na ikinasugat ng ilang nakaupong pasahero, ayon sa PPA.

Tuluyan nang nag-panic ang mga pasahero nang pasukin na ng tubig ang bangka, na napaulat na muntik nang tumaob dahil sa paghampas ng malalaking alon. (Jerry J. Alcayde)

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga