Mahigit 2,000 pasaway na pedestrian ang hinuli ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa paglabag sa Anti-Jaywalking Ordinance.

Sa datos ng Anti-Jaywalking Unit ng ahensiya, nasa 2,211 jaywalker ang nahuli simula noong Enero 1 hanggang Pebrero 14 ngayong taon.

Sa nasabing bilang, nagbayad ng tig-P500 na multa ang 388 jaywalker, habang hindi pa inaayos ng 1,823 violators ang kanilang penalty kaya nakabimbin pa rin ito sa ahensiya.

Ang mga hindi magbabayad ng multa ay maaaring sumailalim sa tatlong oras na community service tulad ng pagwawalis sa komunidad na itinakda ng MMDA tuwing huling Biyernes ng buwan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Mahigpit namang pinaalalahanan ng ahensiya na hindi ligtas sa panghuhuli ang mga driver at pedestrian na agad papatawan at iisyuhan ng traffic violation receipt.

“This bad habit can cause danger not only to themselves but also to others. Passengers should learn to obey traffic rules and orderly line up to get on and get off PUVs at designated loading and unloading bays,” pahayag ni MMDA General Manager Tim Orbos. (Bella Gamotea)