BALER, Aurora - Bumalagbag ang isang truck na kargado ng mga tangke LPG sa kalsada sa bulubunduking lugar ng Sitio Dimotol sa Barangay Dianawan, Baler, Aurora.

Galing umano sa Nueva Ecija at patungong Baler ang Isuzu Forward truck (WCF-790) na minamaneho ng isang Emo Fama, ng Bgy. Reserva, Baler, nang bigla itong mawalan ng preno habang palusong sa matarik na bahagi ng kalsada.

Nawasak naman ang windshield ng Mitsubishi L-300 van (UAD-986) na minamaneho ni Juanito Palabay, 60, ng Bgy. Dilasag, matapos itong mahagip ng bumalagbag na truck. (Light A. Nolasco)

Probinsya

5 buwang sanggol, natabunan sa landslide sa Davao City