Tinadtad ng bala sa katawan hanggang sa napatay ng mga hindi pa nakikilalang lalaki ang isang tricycle driver habang namamasada sa Pateros nitong Martes.

Dead on the spot si Osmundo Calderon y Cagalingan, 49, ng No. 1061 P. Rosales Street, Barangay Sta. Ana, Pateros, sanhi ng mga tama ng bala sa katawan.

Sa ulat na natanggap ng Southern Police District (SPD), dakong 3:15 ng madaling araw nangyari ang pamamaril sa M. Almeda St., Bgy. San Roque ng nabanggit na munisipalidad.

Naghihintay ng pasahero si Calderon nang biglang dumating ang mga suspek at pinagtulungan siyang barilin sa katawan.

Nakonsensyang holdaper, kusang sumuko sa pulisya; ginamit na kutsilyo at baril, laruan lang!

Iniwan ng mga suspek na naliligo sa sariling dugo at wala nang buhay ang biktima.

Napag-alaman na sangkot sa ilegal na droga at kabilang sa drug watch list ng pulisya si Calderon kaya posible umano, ayon sa pulisya, na may kinalaman sa droga ang pamamaril.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. (Bella Gamotea)