Magkakaloob ng libreng skills training ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa mga miyembro ng National Press Club of the Philippines (NPC) at sa dependents ng mga ito matapos lagdaan kahapon ang isang memorandum of agreement (MoA) sa pagitan ng ahensiya at ng NPC.
Ayon kay TESDA Director General Guiling “Gene” Mamondiong, ang pagbibigay ng libreng skills training sa mga miyembro ng media at sa mga anak ng mga ito ay isang paraan upang matulungan ang mga ito na mahasa sa pipiliing training.
Pinangunahan nina Mamondiong at NPC President Paul Gutierrez ang pagpirma sa MoA, na sinaksihan ng iba pang mga opisyal ng dalawang partido. (Bella Gamotea)