Napatay ang isang hinihinalang tulak ng shabu habang sumuko naman ang isa pa sa magkahiwalay na operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Cebu City, iniulat kahapon ng ahensiya.

Base sa report ni PDEA Director General Isidro Lapeña, kinilala ang napatay na si Elmer Padin, nasa drug watchlist ng Cebu City.

Ayon sa imbestigasyon ng PDEA-Region 7, bandang 3:00 ng hapon nitong Martes nang ilatag ang buy-bust operation sa sa bahay ni Padin sa Barangay Poblacion III, Carcar City, ngunit sa halip na sumuko ay nanlaban umano ang suspek na nauwi sa engkuwentro at kanyang ikinasawi.

Nakuha kay Padin ang 200 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P600,000, isang .45 caliber pistol at ang KG9 sub-machine gun na ginamit umano ng suspek sa barilan.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Naaresto naman sa entrapment operation ng PDEA ang sinasabing big-time drug pusher na si Rex Andrino Sebumit, 37, ng Bgy. Tejero, Cebu City.

Nakumpiska kay Abay ang 15 pakete na may 71 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P177,000. (Jun Fabon)