THANKFUL sina Direk Gil Portes, Rex Tin (producer), Eric Ramos (scriptwriter) at buong production staff ng T-Rex Entertainment Productions dahil sa success ng kanilang pre-Valentine movie offering na Moonlight Over Baler, na pinagbibidahan nina Elizabeth Oropesa, Vin Abrenica, Sophie Albert at Ellen Adarna.

Ayon sa mga nakapanood na, bagay na bagay sa season of love ang love story nina Nestor/Kenji (Vin), Fidela (Sophie at La Oropesa) at Rory (Ellen).

Nagsimula ang love story nina Nestor at Fidela noong World War II nang ipinadala sa giyera ang una, kahit ikakasal na sila. Nangako si Nestor na babalik para ituloy ang kasal nila. Pero nabigo si Fidela dahil wala nang Nestor na bumalik.

Pero patuloy na naghintay si Fidela kahit alam niyang hindi na babalik ang kanyang pag-ibig. After 40 years, dumating sa Baler ang Japanese photographer na si Kenji. Alam niyang hindi siya si Nestor, pero kamukhang-kamukha nito ang binata. Naging magkaibigan sila at kahit natutong umibig si Kenji kay Rory, alam naman niyang hindi na nga siya si Nestor.

Tsika at Intriga

Maris Racal umamin na bakit may twinning shoes sila ni Anthony Jennings

Binagayan ang movie ng theme song na O Maliwanag Na Buwan o O Naraniag A Bulan, isang Ilocano song na isinalin sa Tagalog ng National Artist na si Levi Celerio. Ayon kay Rex Tin, na isang Ilocano, lahat sa kanila sa Ilocos, bata man o matanda, kabisado ang awiting ito. Ginawan ito ng modern jazz arrangement ng musician na si Francis de Vera at inawit sa movie ni Vin.

Iyon nga raw senior citizens na nanood (nakakatuwa, partner-partner sila kung manood ng sine) parang nagbalik sa kanilang nakaraan. (Nora Calderon)