ENGAGED na rin si Maxene Magalona kay Robby Mananquil.
Sa Tokyo, Japan nag-celebrate ng Valentine’s Day ang dalawa at doon nag-propose si Robby. Ang maganda, kasama nila sa Japan trip na ‘yun ang parents ng fiancé ni Maxene.
Ang ganda ng photo ng dalawa habang nakaluhod si Robby hawak ang engagement ring na ibinigay kay Maxene. Si Maxene, hindi makapaniwala, napasigaw siguro dahil tinakpan ang bibig. (Nitz Miralles)