TANAUAN CITY, Batangas - Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng isang bangkay ng lalaki na natagpuang nakasako at hubo’t hubad sa Tanauan City, Batangas.

Ayon sa report ni PO1 Jhune Carlo Coballes, dakong 6:00 ng umaga nitong Martes nang natagpuan ni Jaime Casabal ang isang sako sa Barangay San Jose, na nang buksan ay tumambad ang bangkay ng 30-35 anyos na lalaking walang saplot, nakapiring at naka-tape ang bibig. (Lyka Manalo)
Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar