Maaari pa ring makagawa ng legal na solusyon ang mga kumpanya ng minahan upang labanan ang kanselasyon ng kani-kanilang kontrata na ipinag-utos ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), sinabi kahapon ng isang opisyal ng Palasyo.

Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na hindi “arbitrarily” ipahihinto ng pamahalaan ang operasyon sa pagmimina, idinagdag na pagkakalooban ng due process ang mga kumpanya.

“They have remedies under the law. They can file a motion for reconsideration, cite any errors that they perceive to be,” ani Panelo sa isang teleconference sa Palasyo.

“And then if they are not satisfied with the decision on their motion for reconsideration, they can appeal to the Office of the President,” dagdag niya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kamakailan lamang ay ipinag-utos ni Environment Secretary Regina Lopez ang kanselasyon ng 75 Mineral Production Sharing Agreements (MPSAs). Sinabi ni Lopez na maaaring umapela sa Pangulo o sa korte ang mga kumpanyang ito.

Samantala, nanawagan naman sa DENR ang mga environment advocate na gawin ang susunod na hakbang at suportahan ang bagong polisiya sa pagmimina.

“(DENR) Secretary (Gina) Lopez must work with Congress to push for House Bill 2715 or the People’s Mining Bill to replace the Mining Act of 1995 that is the root of these problems,” ayon kay Kalikasan national coordinator Clemente Bautista.

“A new progressive mining policy will strengthen the mandate of the current thrust to effectively regulate mining and balance environmental protection, national development, and people’s rights,” paliwanag niya.

Pinuri niya ang aksiyon ng DENR sa pagkakansela sa 75 mining agreement.

“By removing the threats of forest denudation, water pollution, marine degradation, and biodiversity loss posed by impacts of large-scale mining, we are assured our agriculture and fisheries productivity can be better developed,” sabi niya. (Genalyn Kabiling at Ellalyn De Vera-Ruiz)