TANAUAN CITY - Sugatan ang isang 34-anyos na binata matapos umano siyang pagtatagain ng sariling ama dahil hindi niya ito nabigyan ng pera sa Tanauan City, Batangas.
Isinugod sa Laurel District Hospital si Crisanto Cabog, ng Barangay Maria Paz, Tanauan City, makaraang tagain ng amang si Romulo Cabog, 59, na umano'y sumakay sa tricycle at tumakas matapos ang krimen.
Ayon sa report ni PO2 Reagan Umali, dakong 6:00 ng umaga nitong Lunes nang humingi ng P50 si Romulo kay Crisanto para bumili ng pagkain ngunit tumanggi ang anak, kaya pinagtataga siya ng ama. (Lyka Manalo)