Sasanayin ng Department of Education (DepEd) ang mga regional at school division personnel nito para sa mandatory random drug testing sa mga estudyante, guro at tauhan sa mga pampublikong paaralan sa bansa.

Batay sa memorandum na inisyu ni Education Secretary Leonor Briones nitong Pebrero 8, idaraos ang orientation-training sa drug testing program sa walong cluster simula Marso 1 hanggang Abril 28.

Sisimulan ang random drug testing sa mga estudyante sa susunod na school year. (Mary Ann Santiago)

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?