Mga Laro Ngayon

(Ynares Sports Arena, Pasig)

11 n.u. -- JRU vs Victoria Sports

1 n.h. -- Cignal vs Blustar

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

TARGET ng Cignal-San Beda na makasalo sa ikalawang puwesto sa pagsagupa nila sa guest team Blustar Detergent ngayong hapon sa pagpapatuloy ng 2017 PBA D-League Aspirants' Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Galing sa 95-68 na panalo laban sa Batangas noong Lunes, nais ng Hawkeyes na maitama ang kanilang mga pagkakamali bilang paghahanda sa mga darating na mabibigat na katunggali.

"I told the boys that everytime they get a chance to play, they have to step up. But we don't have to underestimate Blustar, but rather, I would have to make my team ready," pahayag ni coach Boyer Fernandez.

Muling sasandigan ni Fernandez ang core ng San Beda na siyang namumuno sa koponan sa nakaraang tatlo nilang laban katulong sina Jason Perkins at Byron Villarias.

Nakatakdang itaya ng Cignal ang naitalang three-game winning streak matapos mabigo sa una nitong laro sa pagtutuos nila ng Dragons ganap na 1:00 ng hapon matapos ang salpukan ng Jose Rizal University at Victoria Sports-MLQU ganap na 11 :09 ng umaga.

Sisikapin ng Heavy Bombers na bumangon mula sa natamong 57-75 na kabiguang nalasap sa kamay ng Café France noong Huwebes para sa hangad na manatiling nasa top 6 papasok sa kalagitnaan ng torneo. (Marivic Awitan)