LIPA CITY, Batangas – Bunsod ng pinaigting na programa ng pulisya sa pagsugpo sa ilegal na sugal, 10 katao ang naaresto ng mga awtoridad sa “One Time Big Time” operation sa Lipa City nitong Martes.

Kabilang sa mga naaresto ang kabo na si Claro Eguia, 45; at mga kolektor na sina Arnold Martinez, 40; Darwin Dalas, 19; Alberto Ranido, 54; Atos Mendoza, 18; Bong Doza, 46; Rodel Limbao, 23; Kristine Lalog, 19; Kisha Nicole Olave, 24; at Agnes Casuga, 47 anyos.

Ayon sa report, bandang 4:00 ng hapon nang naaktuhan ng grupo ni Senior Insp. Ricaredo Dalisay ang mga suspek na nagsusumite ng kanilang koleksiyong taya para sa bookies.

Narekober umano ng mga awtoridad sa lugar ang 84 na lastillas, 12 ballpen, apat na calculator, at mahigit P7,000 cash. (Lyka Manalo0
Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito