Nagdaos ng “Black Heart Day” protest ang grupo ng mga health worker kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng mga Puso, kahapon.

Layunin ng protesta ng Alliance of Health Workers (AHW) na ipanawagan sa pamahalaan na dagdagan ang sahod ng mga manggagawa sa sektor ng kalusugan.

Dakong 8:00 ng umaga nang magsimulang magmartsa ang grupo mula sa University of Sto. Tomas sa España at dumiretso sa Mendiola, kung saan nagdaos ang mga raliyista ng maikling programa.

Bitbit ng AHW ang mga itim na placard na hugis puso, upang doon ihayag ang kanilang mga hinaing at panawagan sa pamahalaan para sa umentong matagal nang iginigiit ng health sector.

Pag-akto ni VP Sara bilang 'legal counsel' ni Lopez, 'unconstitutional'-Rep.Chua

Determinado ang AHW na ipaglaban ang national minimum wage na P16,000 o P750 kada araw, tuldukan ang contractualization, suportahan ang socio-economic reforms, tutulan ang mataas na buwis at itigil ang pagsasapribado ng mga pampublikong ospital sa bansa. (Mary Ann Santiago)