Posible umanong biktima ng summary execution ang natagpuang bangkay ng isang hindi pa nakikilalang lalaki sa kalsada sa Parañaque City, nitong Lunes ng gabi.
Inilarawan ang biktima na nasa edad 28-30, 5’0” ang taas, nakasuot ng berdeng t-shirt, short pants at tsinelas at may mga tama ng bala sa katawan.
Sa inisyal na ulat na natanggap ng Southern Police District (SPD), dakong 6:10 ng gabi nadiskubre ng street sweeper, hindi nagpabanggit ng pangalan, ang bangkay sa panulukan ng Creeksite Irasan at Ninoy Aquino Avenue, Barangay San Dionisio, Parañaque City.
Naglilinis ang street sweeper nang bumulaga ang duguang bangkay ng lalaki na nakasubsob sa gilid ng kalsada sa naturang lugar kaya agad niya itong ipinaalam sa awtoridad. (Bella Gamotea)