NAISALBA ng Café France ang matinding ratsada ng Wang’s Ball Club para maitakas ang 84-74 panalo kahapon sa 2017 PBA D-League Aspirants’ Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig.
Nagpasabog ang Bakers ng 14-2 blast upang makakalas mula sa 59 deadlock at tapusin ang third canto tangan ang 73-61 bentahe na hindi nila binitiwan sa kabila nang matinding pagbalikwas ng karibal.
Nanguna si dating University of the Philippines standout Paul Desiderio sa natipang 23 puntos, habang kumana si Rod Ebondo ng 20 puntos, siyam na rebound at dalawang block para sa ikalawang sunod na panalo at kabuuang 4-1 karta para sa Bakers.
Nalaglag ang Couriers, pinangunahan ni John Tayontong na kumubra ng 39 puntos, sa 1-4 marka.
Iskor:
Cafe France 84 - Desiderio 23, Ebondo 20, Calisaan 18, Aquino 8, Faundo 5, Arim 4, Manlangit 4, Casino 2, Gabriel 0, Guinitaran 0, Jeruta 0, Opiso 0, Wamar 0.
Wangs 74 - Tayongtong 39, M. Gomez 11, Regalado 10, Publico 6, Enriquez 2, Montuano 2, Salcedo 2, Brana 1, King 1, Gubal 0, Labing-isa 0, Lasco 0, Tambeling 0.
Quarterscores:
24-19, 40-42, 73-61, 84-74. (Marivic Awitan)