Ilulunsad ng Department of Labor and Employment (DoLE) ngayong taon ang OFW Bank at ID system.

“Ipatutupad ang OFW identification card system sa darating na Marso samantalang ang OFW Bank naman ay ilulunsad sa Nobyembre,” pahayag ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III.

Ang OFW ID system ay isa sa mga pangunahing bahagi ng Integrated DoLE System (I-DoLE) na nag-uugnay sa mga database ng Kagawaran sa mga database ng iba pang ahensiya ng pamahalaan tulad ng Department of Foreign Affairs (DFA), Social Security System (SSS), Commission on Higher Education (CHEd) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Magagamit OFW ID card mga transaksiyon at beripikasyon ng mga dokumento sa mga ahensiya ang pamahalan, bilang debit at ATM card sa mga OFW Bank, at bilang Beep card sa LRT at MRT. (Mina Navarro)

Tsika at Intriga

Chloe, matapang na niresbakan nagsabing niretoke ilong niya