UNITED NATIONS (AP) — Mariing kinondena ng UN Security Council ang North Korea nitong Lunes ng gabi kaugnay sa pagpakawala ng ballistic missile at nagbabala ng mas mabibigat na parusa kapag hindi itinigil ang Pyongyang ang nuclear at missile testing nito.

Nagkasundo ang lahat ng 15 miyembro sa pahayag kasunod ng matinding pakondena ni Secretary-General Antonio Guterres sa huling paglulunsad at ng pangako ni U.S. President Donald Trump ng malakas na tugon sa North Korea.

Kinondena ng Security Council ang paglulunsad nitong Sabado at ang naunang pagsubok noong Oktubre 19. Ayon dito ang mga aktibidad ng North Korea sa pagdedebelop ng nuclear weapons delivery systems ay paglabag sa UN sanctions at nagpapalala sa mga tensiyon.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina