NAITALA ng defending champion University of the Philippines ang ikalawang sunod na panalo sa pamamagitan ng 4-0 paggapi sa National University sa pagpapatuloy ng UAAP Season 79 men’s football tournament sa Rizal Memorial Stadium.

Nagtala si Jermiah Borlongan nang magkasunod na goal sa ika-22 at ika-27 minuto para ibigay sa Fighting Maroons ang 2-0 bentahe.

Kinumpleto naman nina King Miyagi at James Condat ang pagtatala sa scoreboard sa second half upang selyuhan ang panalo ng Maroons.

Nauna rito, tinalo ng De La Salle ang University of the East, 2-0.

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032

Unang naka-goal si Yoshi Koizumi sa ika-17 minuto mula sa free kick na sinundan ni Rino John Saldivar sa ika-79 minuto upang iangat ang Green Archers mula sa scoreless draw kontra Maroons sa season opener.

Binokya naman ng Far Eastern University ang Adamson, 4-0, para makatabla sa Ateneo at UP sa liderato sa natipong anim na puntos.

Pinangunahan ni Rico Andes ang nasabing panalo sa itinala nitong goal sa ika-39 at ika-67 minuto.

Sa pagsisimula ng aksiyon sa women’s division, ginulat ng Ateneo ang titleholder UP, 1-0, habang tinalo ng UST ang FEU, 2-1. (Marivic Awitan)