Piolo, Bea, Angelica, John Lloyd, Jodi at Jericho copy

HILONG talilong ang reporters sa Thanksgiving presscon para sa 25th year anniversary ng Star Magic nitong nakaraang Linggo kung sino ang unang iinterbyuhin dahil pawang mga sikat na artista ang naroon na halos lahat pa naman ay nagmamadaling umalis dahil may kanya-kanyang lakad.

Natagalan bago sinimulan ang program dahil nahirapan daw ang lahat ng handlers na pagsama-samahin ang lahat ng mga artista nila.

Unang nagpakitang-gilas sa pagsayaw sina Enchong Dee, Rayver Cruz, Shaina Magdayao, at Hashtags. Umalis kaagad ang aktres kaya hindi na namin nakausap.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Isa sa mga inabangan ng lahat si Diego Loyzaga kasama ang inang si Teresa Loyzaga, pero ayaw naman niyang magsalita tungkol sa gusot nila ng amang si Cesar Montano.

Binanggit din ni Teresa na nasa tamang edad na ang anak na si Diego (21 years old) kaya hinahayaan na niyang magdesisyon kung ano ang nararapat.

Magkakasama naman sa production number ng love teams sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo; Elmo Magalona at Janella Salvador; Bailey May at Ylona Garcia; Diego at Sofia Andres; ang love triangle na sina Joshua Garcia, Ronnie Alonte at Julia Barretto; at Enrique Gil at Liza Soberano.

Siyempre, nagpakitang-gilas din ang ipinagmamalaking leading men ng Star Magic na sina Sam Milby, Matteo Guidicelli, Ejay Falcon, JC de Vera, Jake Cuenca, at Gerald Anderson.

Ang pinakahuli ay ang pioneers ng Star Magic (Talent Center pa noon) na sina Piolo Pascual, Angelica Panganiban, Jodi Sta. Maria, Jericho Rosales, John Lloyd Cruz at Bea Alonzo sa theme song na Ikaw Ang Magic ng Buhay Ko na sinulat ni Young JV at nilapatan ng musika ni J. Lukban.

Tinanong ang pioneers kung bakit hanggang ngayon ay nananatili silang Kapamilya actors at hindi nila naisip magpalit ng talent management.

Biniro ni Piolo si Angelica na siyang pinakaunang alaga ng Star Magic.

“Wala naman pong choice, ha-ha,” sagot ni Angelica. “Parang Star Magic lang ‘yung alam ko. Never talagang pumasok sa isip ko na maghanap ng ibang magma-manage ng career ko, siguro malalim na ‘yung tiwalang nabuo ko sa Star Magic, kina Mr. M (Johnny Manahan) at Tita Mariole (Alberto) para mag-invest ulit ako sa bagong tao. So, I think sobrang lalim na nu’ng relationship. So, kung mawawala sila, ima-manage ko na lang ang sarili ko.”

Sabi naman ni Jodi, “Siguro po dahil walang rason (para lumipat) kasi wala rin namang nag-offer. Seriously po, wala naman akong reason to leave, ganu’n lang kasimple ‘yun. And panatag ako sa alagang ibinibigay sa akin ng Star Magic.

“Hindi na pinag-uusapan ‘yan,” katwiran naman ni Lloydie. “That’s out of the question, you’re with the best talent firm in the country, so hindi mo na iisiping pumunta sa second best?”

Sa grupo nila, bukod tanging si Jericho ang nakaranas na umalis ng Star Magic pero muling bumalik.

“Iba naman kasi ‘yung case ko kasi alam naman ng lahat na rebelde ako dati, di ba? It’s not the people I’ve work with, it’s the journey that I took, so I’m very happy with my decisions and kung sinuman ‘yung mga nakatrabaho ko dati really added to my life wisdom, directions etcetera. Point is, I started with Star Magic (Star Circle Batch 4), this is a healthy happy loving family and you always go back to family, di ba? But along the way, you discovered people na puwede mo rin maging kapamilya, ‘yun naman ang point ng life, it doesn’t have blood related all the time, so this is my family, Star Magic,” paliwanag ni Echo.

Rason naman ni Bea, “since na-bring up na ni Jericho (family), ‘yung mga handlers namin, akala n’yo madali lang ginagawa nila, pero sobrang hirap. May mga pagkakataong sarili nilang pamilya nakakalimutan nila dahil lang sa pag-aalaga sa amin, kaya isa iyon sa dahilan sa malaking rason kung bakit nandito pa rin kami.”

“Correct, ‘yan ang gusto namin, lahat sila pabaya, pabaya sa sarili nilang pamilya, ha-ha,” pabirong hirit ni Jericho. “Tayo na lang inaalagaan nila, wala na silang time sa family.”

At panghuli si Piolo, “Since I started my career with ABS-CBN, I’m gonna end with them as well, parang I’d rather retire or leave. This has always been my choice. If not for ABS or Star Magic to Mr M, Tita Mariole, all of them, our bosses Tita Malou (Santos), Sir Carlo (Katigbak), EL, Ma’am Charo (Santos), all of them. If not because of them, (‘di tatatag) ‘yung collaborative effort na ibinibigay ng lahat, ‘yun po ‘yun.”

Oo nga naman, ang tagal na ng pioneers pero nanatili pa rin silang nasa top list sa product endorsements, TV/movie projects, at higit sa lahat mas lalo silang humusay sa pag-arte. Wika nga, walang kinakalawang sa kanila.

(REGGEE BONOAN)