Patay ang isang 12 buwang gulang na lalaki nang aksidenteng mahulog sa ginagawang drainage sa Ermita, Maynila, iniulat kahapon.
Ayon kay homicide prober Det. Jonathan Bautista, dakong 11:45 ng tanghali noong Pebrero 8 pa nangyari ang insidente ngunit kahapon lamang ito ini-report sa pulisya dahil inasikaso pa ang pagpapalibing sa biktima.
Sa salaysay ni Joselito Elias, 28, tatay ng biktima at residente ng P. Burgos Street, Ermita, Maynila, nakatulog umano ang kanyang misis at hindi napansin na naglakad pala papalayo ang kanilang anak at aksidenteng nahulog sa drainage.
Nang magising ay hinanap umano ng mag-asawa ang kanilang anak ngunit isa na itong bangkay nang kanilang mahanap.
(Mary Ann Santiago)