KINILALA ang libro ng isang Pinoy photographer bilang isa sa mga tumanggap ng prestihiyosong “Steidl Book Award Asia” ng kilalang German designer, curator, at publisher na si Gerhard Steidl kahilera ang iba pang mga libro ng mga litratista mula sa India, Singapore, South Korea, Japan, at China.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, hinandugan ng Pinoy photographer na si Jake Verzosa ang embahada ng Pilipinas sa Berlin ng kopya ng kanyang award-winning na librong “The Last Tattooed Women of Kalinga” nang mag-courtesy call siya kay Ambassador Melita Sta. Maria-Thomeczek.

Nagtungo ang mga nanalo sa Gottingen, Germany noong nakaraang buwan upang ayusin ang paglalathala ng kanilang mga libro na pagsasama-samahing ilalathala ngayong taon bilang “8 Books for Asia”.

Kabilang ang mga kilalang litratista at artist sa buong mundo na bahagi ng Steidl program sina Joel Sternfeld, Bruce Davidson, Robert Frank, Robert Adams, Karl Lagerfeld, Lewis Baltz, Ed Ruscha, Roni Horn, at Juergen Teller.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Ipinapakita sa “The Last Tattooed Women of Kalinga” ang naghihingalong kultura ng pagta-tattoo culture ng mga babae sa Kalinga.

“The main purpose of doing this was to document the last remaining people who adorn these tattoos and to hopefully reverse the changing perception of beauty among the Kalinga. The tattoos used to be a symbol of beauty, wealth, and honor but now, most see them as ancient, barbaric, and a stigma,” saad ni Jake Versoza.

“Naked arms in pictures of aged tattooed skin taken in the Philippines. Jake Verzosa’s digital black-and-white prints… showed women whose skin seemed to be patterned as if by a lacy sweater… It’s at one hand historical and on the other a sort of poetry unfolding as a record for posterity,” sabi naman ng Vogue International editor na si Suzy Menkes, na labis na humanga sa mga kuha ni Verzosa sa Paris Photo 2014.

Ang unang edisyon ng libro ay inilathala ng Silverlens, at inilunsad sa “Paris Photo” international fine art photography fair noong 2014. (PNA)