Nilinaw kahapon ng Malacañang na ang P2 bilyon ayuda na ipinangako ni Pangulong Duterte sa Surigao ay para sa mga maaapektuhan ng pagpapasara sa mga minahan, at hindi bilang ayuda sa mga nilindol.
“I would like to clarify that. The President was saying that in the context of the mining,” diin ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar sa isang panayam sa radyo.
Ipinaliwanag ni Andanar na nag-alok ng tulong-pinansiyal ang Pangulo para sa livelihood program kaugnay ng pagpapasara sa mga minahan na magiging dahilan ng pagkawala ng hanapbuhay ng mga minero.
Sa kanyang pagbisita sa Surigao City nitong Linggo, ipinangako ni Pangulong Duterte na tutulong siya sa paghahanap ng alternatibong mapagkakakitaan ng mga minero. (Genalyn D. Kabiling)