Magpapatupad ng oil price hike ang mga kumpanya ng langis sa bansa, sa pangunguna ng Flying V at Pilipinas Shell, ngayong Martes.

Sa pahayag ng Flying V, epektibo dakong 12:01 ng madaling araw kanina ay nagdagdag ng 20 sentimos sa kada litro ng diesel at 10 sentimos naman sa kerosene habang walang paggalaw sa presyo ng gasolina.

Hindi naman nagpahuli ang Shell at Seaoil, na nagpatupad ng kaparehong dagdag-presyo sa diesel at kerosene bandang 6:00 ngayong umaga.

Ang bagong price adjustment ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan. (Bella Gamotea)
National

Padilla, Zubiri, pinaiimbestigahan status ng implementasyon ng amnesty proclamations ni PBBM