Mga Laro Ngayon

(San Juan Arena)

1 n.h. -- Lyceum vs Perpetual (jrs)

4 n.h. -- San Sebastian vs Arellano (w)

Dalawang Pinoy mountaineers, sumakses sa tuktok ng Mt. Everest

MAULIT kaya ang masaklap na kapalaran ng San Sebastian College sa nakalipas na season kontra sa St. Benilde?

Napipintong maulit ang kasaysayan, ngunit sa pagkakataong ito, sa kamay ng Arellano University Lady Chiefs luluhod ang Lady Stags sa paglarga ng krusyal na laban ngayon sa women’s volleyball championship sa NCAA Season 92.

“Kahit lamang na kami,hindi pa rin kami nakakasiguro. May pagkakataon pa kaya hindi puwedeng magpatumpik-tumpik,” pahayag ni Arellano coach Obet Javier.

Ngunit, para kay Javier malaking bentahe para sa kanila ang nakuhang psychological advantage na nagpataas lalo ng kanilang morale.

At ito ang kanilang sasandigan upang ganap na makamit ang tagumpay na nais nilang ialay sa kanyang yumaong maybahay.

Sa kabilang dako, aminado naman si multi-titled coach Roger Gorayeb na nasa mga manlalaro na niya ang kapalaran ng koponan.

“Wala na akong magagawa, kasi nag ensayo naman kami, naghanda. Kaso pagdating sa laro hindi naman nila nagagawa.

Parang lutang sila, wala sa focus,” sambit ni Gorayeb.

“Sabi ko nga gawin nila hindi para sa kin, para sa sarili nila, para sa school. Sabi ko nga kay Gretchen kahit hakutin mo pa lahat ng individual award, iba pa rin yung meron kang championship,” aniya.

Mauna rito, parehas ang kinakaharap ng Lyceum Junior Pirates na may posibilidad ding mawalis ng defending champion University of Perpetual Help Junior Altas matapos pumasok sa finals na may thrice to beat edge pagkaraang talunin ng huli sa unang dalawang laro. (Marivic Awitan)