Justin copy

MAS pinili ni Justin Bieber na kumain sa halip na maglakad sa red carpet.

Hindi dumalo sa Grammys ang Sorry singer kahit may apat siyang nominasyon, at sa halip ay kumain ng Asian food.

Habang naghahakot ng awards sina Adele, Beyonce, at Chance the Rapper, nag-post si Bieber ng ilang chopsticks at sawsawan sa Instagram Story.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Nasa L.A. si Bieber habang isinasagawa ang Grammys at dumalo sa pre-show bash ng kanyang kaibigan na si Poo Bear.

Mukha namang kuntento si Bieber na suot ang dilaw na hoodie at kanyang paboritong geek chic spec kahit hindi siya nakadalo sa pinakamakulay na gabi sa industriya ng musika.

Posibleng iniwasan niyang makita ang kanyang dating kasintahan na si Selena Gomez at bagong boyfriend nito na si The Weeknd. Gayunman, iniulat ng TMX nitong Enero na hindi dadalo sa Grammys si Bieber dahil “he just doesn’t think the Grammys are relevant or or representative, especially when it comes to young singers.”

For the record, hindi nanalo si Bieber sa alinmang kategorya na nominado siya: Ang Song of the Year at Best Pop Solo Performance para sa Love Yourself, at Best Pop Vocal Album at Album of the Year para sa Purpose.

Mukhang hindi mahilig dumalo sa awards show si Bieber, na nagtungo sa Latin America noong Miyerkules para sa kanyang Purpose tour. Matatandaan na pagkatapos ng Billboard Awards noong nakaraang taon, ginamit ng singer ang Instagram para tawaging “disingenuous” ang show.

“No disrespect to anybody at any of the shows or the people running it … but I don’t feel good when I’m there nor after,” aniya. “I try to think of it as a celebration but can’t help feeling like people are rating and grading my performance. A lot of people in the audience there to be seem worried about how much camera time they will get or who they can network with. When I’m doing a regular show I feel they are there for the right reasons and to strictly have a good time! But these award shows seem so hollow. I get the premise is to award people for their accomplishments, but is it really? Because when I look in the audience I see a bunch of fake smiles so that when the camera hits them they look happy,” ani Bieber. (Yahoo)