SAN JOSE, Tarlac – Nauwi sa kamatayan ang panghuhuli ng tilapia ng isang 50-anyos na lalaki na nalunod sa Lubigan River sa Barangay Lubigan, San Jose, Tarlac, nitong Linggo ng hapon.
Kinilala ni PO3 Arham Mablay ang biktimang si June Guillermo, binata, taga-Bgy. Villa Aglipay, San Jose, Tarlac.
Napaulat na nagpasyang lumangoy si Guillermo sa ilog ngunit pinaniniwalaang biglang inatake ng sakit sa puso.
Nadiskubre ni Joey Tuazon, ng Bgy. Moriones, ang bangkay ni Guillermo habang nanghuhuli siya ng tilapia sa San Jose, Tarlac makaraang manghuli rin ng tilapia sa ilog.
Napag-alaman na may alta-presyon ang biktima at regular na umiinom ng gamot matapos dumanas ng mild stroke, ayon sa kapatid niyang si Celso Guillermo. (Leandro Alborote)