CAMP MACABULOS, Tarlac City – Pinaniniwalaang dahil sa matinding problema sa pag-ibig ng isang magsasaka na hiniwalayan umano ng kanyang nobya kaya nagpasya siyang magpatiwakal sa Barangay Villa Bacolor sa Tarlac City, nitong Linggo ng gabi.
Ayon sa report ni SPO1 Gerald Mamaradlo, nakipag-inuman si Nolly Lagade, 24, binata, sa kanyang mga kaibigan at ikinuwento sa mga ito na nagkahiwalay na sila ng kanyang nobya dahil sa personal na dahilan.
Pag-uwi sa bahay ay nagbigti si Lagade sa loob ng kanyang kuwarto. (Leandro Alborote)