Sa bisa ng Executive Order No. 13 ni Pangulong Duterte, nagdeklara kahapon ng giyera si Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa laban sa lahat ng uri ng ilegal na sugal, partikular na ang jueteng, sa bansa.

Sa press briefing sa Camp Crame, ipinag-utos kahapon ni Dela Rosa sa buong pulisya na hulihin ang lahat ng sangkot sa ilegal na sugal makaraang pahintuin ng Presidente ang PNP sa pagsasagawa ng digmaan kontra droga.

Nilagdaan nitong Pebrero 2, inaatasan ng EO No. 13 ang PNP, ang National Bureau of Investigation (NBI) at iba pang law enforcement agencies na paigting ang kampanya nito laban sa illegal gambling, sa pakikipag-ugnayan sa Department of Justice, (DoJ), Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Information and Communications Technology (DICT).

Ipinag-utos din ni Dela Rosa ang paghuli sa lahat ng sangkot, maging mga gobernor, mayor, at opisyal ng barangay na matutukoy na nagpapatakbo ng illegal gambling, gayundin ang mga pulis na nagsisilbing protector ng mga ilegal na pasugalan.

15% na kontribusyon ng SSS, para daw sa lifetime security?

“The bottom line is the national advocacy to rid the country of all forms of illegal gambling activities that contribute to moral decay and provide an economic support system that sustains other forms of illegal activity,” sabi ni Dela Rosa. “By this pronouncement, the PNP is hereby declaring war against illegal gambling.”

(Fer Taboy at Francis Wakefield)