PUMANAW kamakalawa ang ama ni QC Mayor Herbert Bautista na si Ex-QC Councilor Herminio “Butch” Bautista sa edad na 82 taon.
Si dating Konsehal Butch Bautista na dati ring chairman ng Barangay Immaculate Concepcion ay may sakit sa puso at binawian ng buhay habang nakaratay sa Philippine Heart Center noong Pebrero 11, Sabado.
Ang ama ni Bistek ay dati ring artista at direktor ng pelikula bago naging konsehal at kapitan ng barangay noong 1988.
Bukod kay Mayor Bautista, inulila rin ni Butch Bautista ang mga anak na sina Harlene Bautista at Konsehal Hero Bautista.
Ang mga labi ni Butch ay nakaburol ngayon sa Loyola Memorial Chapels sa Commonwealth Avenue, para sa public viewing.
Wala pang pahayag ang pamilya kung kailan at saan ililibing si Butch. (JUN FABON)