ISABELA CITY, Basilan – Nasa 311 operatiba ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na nasangkot sa iba’t ibang paglabag ang darating sa Basilan sa Huwebes, Pebrero 16, at kaagad na itatalaga sa mga bayan na may pinagkukutaan ng teroristang grupo ng Abu Sayyaf Group (ASG).

Sinabi ni Basilan Police Provincial Office Director Senior Supt. Nickson Muksan na tig-50 pulis ang itatalaga sa Lamitan City at Maluso, habang may tig-25 pulis naman ang madadagdag sa mga himpilan sa mga bayan ng Akbar, Al-Barka, Hadji Mohammad Ajul, Lantawan, Sumisip, Tipo-Tipo, Tuburan at Ungkaya Pukan.

Ayon kay Senior Supt. Muksan, regular na magpapatrulya at magsasagawa ng checkpoint ang mga pulis sa mga komunidad na may presensiya ng Abu Sayyaf upang magsitino ang mga ito.

“I will make these police scalawags or abusado policemen from Metro Manila conduct foot patrol in Abu Sayyaf Group areas so they will become straight,” ani Senior Supt. Muksan. “Ayoko sa police abusado. The police should protect the lives and properties of the Filipino people and not to become abusado in the community where they are assigned.”

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Tiniyak din niyang hindi mananatili sa opisina o sa himpilan ang mga pulis mula sa Metro Manila.

“They will not stay inside the police office, they will conduct foot patrol in the area under the concept police visibility,” aniya.

Kabilang sa mga pulis-Metro Manila na ipinatapon sa Basilan ang isang Police Superintendent, apat na Chief Inspector, siyam na Senior Inspector at karamihan ay may ranggong PO1 at PO2, ayon kay NCRPO Director Oscar Albayalde.

(Nonoy Lacson at Bella Gamotea)