Nina YAS D. OCAMPO at CHARISSA M. LUCI

Nagbigay ng ultimatum si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kumpanya ng minahan, tulad sa Surigao, na linisin ang dinumihang kapaligiran o lumayas, kasunod ng pagpapasara ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa ilang minahan.

Nakahanap ng kakampi si DENR Secretary Gina Lopez kay Pangulong Duterte na nagsabing saksi siya mismo sa mga epekto ng mga minahan sa kapaligiran.

Ayon kay Duterte, kapag hindi nilinis ng mga minahan ang mga epekto ng kanilang operasyon, mapipilitan siyang ipasara ang mga ito sa ngalan ng kalikasan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Sila tanan (silang lahat),” sabi ni President Duterte sa wikang Cebuano.

Iginiit ng Pangulo na ang pagsisikap ng gobyenro na maprotektahan ang kapaligiran ay pakikinabangan ng mga susunod na henerasyon.

GREEN ECONOMY

Samantala, umaasa si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na sisimulan na ni Environment Secretary Gina Lopez ang panukala nitong “green economy” para pakinabangan ng mga manggagawa sa minahan.

Sinabi ni Barbers na dapat tiyakin ni Lopez na magkakaroon pa rin ang mga minero ng trabaho sa ilalim ng responsible mining program.

“Put up your ‘green economy’ first, develop it and employ these people, then you can tell the mining companies to stop,” sabi ni Barbers, na ang constituents ay maaapektuhan ng closure at suspension order ng DENR.

Hinamon din ni Barbers si Lopez na isapubliko ang audit report laban sa mga minahan na umano’y lumalabag sa environmental laws.