ni Anna Liza Villas-Alavaren

Simula ngayong Lunes ay hindi na maaari pang bumiyahe ang mga pampasaherong jeep sa EDSA-Guadalupe sa Makati City sa layuning maibsan ang trapiko sa naturang lansangan.

Ayon kay Bong Nebrija, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) supervising operations officer, ang nasabing desisyon ay hindi sariling pasya ng ahensiya.

“This is a pilot test is in coordination with LTFRB, which is also member of the Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT) along with MMDA,” paglilinaw ni Nebrija sa isang panayam sa radyo.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Layunin ng pagsasaayos at pag-aaral sa prangkisa at ruta ng mga jeep sa lugar na maibsan ang masikip na trapiko sa EDSA sa pamamagitan ng pagpapalit ng ruta ng mga pampublikong sasakyan.

“As we can see, the government is reducing the number of vehicles plying EDSA by targeting colorum buses and Asian utility vehicles. One by one, the government is looking into their franchise to make public transportation more efficient,” ayon kay Nebrija.